Mga Kaugalian Ng Mga Pilipino Sa Pag Sapit Ng Mahal Na Araw

Ano Nga Ba Ang Holy Week?

    Ang Holy Week sa Catholic Church ay ang last week ng Lent o Kwaresma, 40-day days before Easter na hango sa Biblia: 40 days na paggala ng Israelites sa ilang (wilderness) at 40 days na nilagi ni Kristo sa ilang, kung saan tinukso siya ng demonyo.



PALASPAS
Ang "Palaspas" o tinatawag na "Palm Sunday" ay nanggaling sa pagsalubong kay Hesukristo nang siya ay pumunta sa Jerusalem. Ito ay ginagawa tuwing Linggo para simulan ang Holy Week, at dito ay iwinawagayway ng mga Kristiyano ang kanilang mga palaspas na gawa sa dahon ng saging, o kaya niyog.
Ito ay araw kung kailan ginugunita ang "matagumpay na pagpasok" ni Hesus sa Jerusalem eksaktong isang linggo bago ang Kanyang pagkabuhay na muli (Mateo 21:1-11). May 400 hanggang 500 bago maganap ang pangyayaring ito, hinulaan ni Propeta Zacarias, "Sion, magalak ka at magdiwang! Umawit ka nang malakas, O Jerusalem! Pagkat ang hari mo ay dumarating na, mapagwagi at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba siya at nakasakay sa isang bisirong asno" (Zacarias 9:9).



PABASA
Ang pabasa ay kadalasang ginagawa sa mga probinsya. Pero ngayon, ginagawa na din ito sa mga simbahan sa siyudad. Ang pabasa ay nagsisimula pagkatapos ng misa ng palaspas. Ito ay isa sa pinakapopular na tradisyon ng mga Pilipino.



PENITENSIYA
 Ang pagpepenitensiya ay ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko, dahil  sa pagpepenitensiya ay sinasaktan ng mga penitente ang kanilang mga  sarili gamit ang mga latigo na may kadena, mga sanga na may tinik, at kung  anu-ano pa.



VISITA IGLESIA
  Ang Visita Iglesia ay isang matandang kaugaliang Katoliko ng pagdalaw sa pitóng simbahan sa gabí ng Huwebes Santo tuwing panahon ng Kuwaresma. Sa Huwebes Santo ng Mahal na Araw, kasunod ng Misa ng Hapunan ng Panginoon, ipinuprusisyon ang Banal na Sakramento patungo Altar na Pinaglalagakan ng Sakramento para sa pagpipintuho nito. Dumadalaw sa pitóng simbahan — kung minsa'y labing-apat, minsan nama'y walang tiyak na bílang — ang mga mananampalataya at nagdarasal sa Banal na Sakramento sa bawat simbahan.




I want to know Christ—yes, to know the power of his resurrection and participation in his sufferings, attaining to the resurrection from the dead.

Comments

Popular posts from this blog

Word Mental Health Day

Ilagan Sanctuary: The Best Place To Visit In The City Of Ilagan

Buscalan, Tinglayan, Kalinga (A Road To Apo Whang-Od)